side
    side
    side
    side

    JOINING THE PROMO

    Kailan puwede maghulog ng entries?
    Ang submission ng entries ay May 8 - July 16, 2021 (10 promo weeks).
    Isa sa mga kamag-anak ko ay nagtatrabaho sa drop box partner o participating sponsors. Puwede ba ako sumali?
    Hindi. Ang lahat ng empleyado at kamag-anak ng nagtatrabaho sa GMA Network at subsidiaries nito, promo agency, sponsors at iba pang media o promo-related partners, hanggang third degree of consanguinity at affinity, ay disqualified sa pagsali sa promo.

    SUBMISSION OF ENTRIES

    Puwede bang computerized ang aking contact details?
    Oo, parehong valid ang handwritten at computerized entries, subalit kailangang handwritten ang pirma.
    Puwede ba i-combine ang proof-of-purchase ng iba’t ibang participating brands sa isang entry?
    Hindi. Ang pag-combine ng proof-of-purchase ng iba’t ibang participating brands sa isang entry ay invalid.
    Puwede bang makulay ang ballpen na pangsulat ko?
    Maaaring gumamit ng kahit anong kulay ng ballpen/ink basta't malinaw ang detalye at contact details na nakasulat sa papel.
    Puwede ba ako mag-submit ng entry sa Mercury Drug branch sa NCR kahit na ang permanent address ko ay sa Visayas?
    Oo, maaaring maghulog sa kahit saang participating Mercury Drug drop box location, basta't nakasulat ang inyong tamang address sa inyong entry.
    Puwede ba gumamit ng short or long envelope?
    Oo, maaaring gumamit ng plain white na short or long envelope para sa inyong entries.
    Saan ko makikita pa ang drop box locations nationwide?
    Makikita sa website na ito ang kumpletong listahan ng drop box locations nationwide. Maaari rin bumisita sa Official Facebook Page ng Kapuso Bigay Premyo Panalo (www.facebook.com/GMAPromos)
    Wala akong landline number. Puwede ba na cellphone number ang isulat ko sa contact details ko?
    Oo, ang cellphone number ay valid at maaaring isulat na contact detail.
    Kapag hindi ko naisulat ang aking edad sa entry (o kahit anong required na detalye), puwede pa rin ba ako manalo?
    Hindi. Based sa approved promo mechanics at rules ng FDA, lahat ng entries na hindi kumpleto ang detalye (name, age, address, contact number, at handwritten signature) ay magiging invalid.
    Ang proof-of-purchase ko ay napunit at nahati na. Valid pa ba ito?
    Hindi na. Ang entry ay kailangang 70% complete o intact. Kapag nangalahati na ito, hindi na ito valid.

    PRIZES AND WINNERS

    Saan puwede makita ang listahan ng prizes?
    Puwede makita ang listahan ng prizes sa Mechanics Poster na nakakabit sa drop boxes. Maaari rin itong makita sa www.facebook.com/GMAPromos.
    Tax-free ba ang mga prizes ng Kapuso Bigay Premyo Panalo?
    Oo, lahat ng prizes ay tax-free.
    Kapag nagsubmit ako ng entries ng Week 1, puwede pa ba ako manalo sa Week 2 at sa iba pang weeks?
    Oo, ang lahat ng entries na ipinadala sa loob ng playing weeks ay valid pa rin sa raffle draw sa mga susunod na promo weeks. Kung hindi nabunot ang iyong entry sa linggong iyon, may pagkakataon pa rin itong mabunot sa raffle draws sa mga susunod na promo weeks at sa Grand Draw.
    Saan ang announcement ng winners?
    Ang announcement ng winners ay mapapanood sa GMA at GTV. Puwede rin makita ang listahan ng winners sa www.facebook.com/GMAPromos.
    Paano ang notification ng winners? Kung ako ay nanalo, paano ko makukuha ang aking premyo?
    Ang lahat ng winners ay ino-notify ng official GMA representative via phone call para magbigay ng requirements sa pagkuha ng premyo. Siguraduhin na valid ang contact number na ilalagay sa inyong entries.