side
side
side
side
side

JOINING THE PROMO

Kailan puwede maghulog ng entries?
Ang submission ng entries ay October 9 - December 17, 2021 (10 promo weeks).
May age requirement ba ang pagsali sa promo?
Walang age requirement ang pagsali sa promo, pero kailangang may valid na pirma ang entries na ipadadala. Kung nabunot ang isang entry, kailangan magpakita ng winner ng valid IDs na may kaparehong detalye at pirma sa entry para ma-validate ito.
Kapag ako ay isang OFW, puwede ba sumali?
Lahat ng residente ng Pilipinas ay qualified sumali sa Kapuso Bigay Premyo Panalo. Kapag may address kayo sa Pilipinas, maaaring isulat ang address na ito. Puwede niyo rin anyayahan sumali ng Kapuso Bigay Premyo Panalo ang inyong kamag-anak sa Pilipinas.
Isa sa mga kamag-anak ko ay nagtatrabaho sa drop box partner o participating sponsors. Puwede ba ako sumali?
Lahat ng empleyado at kamag-anak ng mga empleyado ng GMA Network, subsidiaries, promo agency, sponsors at iba pang media o promo-related partners, hanggang third degree of consanguinity at affinity, ay disqualified sa pagsali sa promo.

SUBMISSION OF ENTRIES

Puwede bang computerized ang aking contact details?
Parehong valid ang handwritten at printed-out entries. Siguraduhin lamang na ang inyong pirma ay handwritten.
Puwede ba i-combine ang proof-of-purchase ng iba’t ibang participating brands sa isang entry?
Ang pag-combine ng proof-of-purchase ng iba’t ibang participating brands sa isang entry ay invalid.
Puwede bang makulay ang ballpen na pangsulat ko?
Puwedeng gumamit ng kahit anong kulay ng ballpen/ink basta't malinaw ang detalye at contact details na nakasulat sa papel.
Puwede ba ako mag-submit ng entry sa Mercury Drug branch sa NCR kahit na ang permanent address ko ay sa Visayas?
Puwede maghulog sa kahit saang participating Mercury Drug branch drop box location, basta't nakasulat ang tamang address sa contact details at ang area kung saan nakatira sa likod ng envelope.
Puwede ba gumamit ng short or long envelope?
Kahit anong size ng envelope na plain white ay valid (puwede ang short or long envelope).
Saan ko makikita pa ang drop box locations nationwide?
Makikita sa website na ito ang kumpletong listahan ng drop box locations nationwide. Maaari rin bumisita sa Official Facebook Page ng Kapuso Bigay Premyo Panalo (www.facebook.com/GMAPromos). Mayroon ding Kapuso Bigay Premyo sa Pasko location posters na nakapaskil sa participating Mercury Drug branches.
Wala akong landline number. Puwede ba na cellphone number ang isulat ko sa contact details ko?
Ang cellphone number ay valid at maaaring isulat na contact detail.
Kapag hindi ko nalagay ang aking edad sa entry (o kahit anong detalye na required), puwede pa rin ba ako manalo?
Based sa approved promo mechanics at rules ng FDA, lahat ng entries na hindi kumpleto ang detalye (name, age, address, contact number, at handwritten signature) ay magiging invalid.
Ang proof-of-purchase ko ay napunit at nahati na. Valid pa ba ito?
Ang entry ay dapat 70% complete o intact. Kapag nangalahati na ito, hindi na ito valid.

PRIZES AND WINNERS

Saan puwede makita ang listahan ng prizes?
Puwede makita ang listahan ng prizes sa Mechanics Poster na nakakabit sa drop boxes. Puwede rin ito makita sa www.facebook.com/GMAPromos.
Tax-free ba ang mga prizes ng Kapuso Bigay Premyo Panalo?
Yes, lahat ng prizes ay tax-free.
Kapag nagsubmit ako ng entries ng Week 1, puwede pa ba ako manalo sa Week 2 at sa iba pang weeks?
Lahat ng entries na ipinadala sa loob ng playing weeks ay valid pa rin sa raffle draw sa mga susunod na promo weeks. Kung hindi nabunot ang iyong entry sa linggong iyon, may pagkakataon pa rin ito mabunot sa raffle draws sa mga susunod na promo weeks at sa Grand Draw.
Kailan ang announcement of winners?
Ang announcement ng winners ay mapapanood sa GMA at GTV. Puwede rin makita ang listahan ng winners sa www.facebook.com/GMAPromos.
Paano ang notification ng winners? Kung ako ay nanalo, paano ko makukuha ang aking premyo?
Ang lahat ng winners ay ino-notify ng official GMA representative via phone call para magbigay ng requirements sa pagkuha ng premyo. Siguraduhin na valid ang contact number na ilalagay sa inyong entries.